Connection Information

To perform the requested action, WordPress needs to access your web server. Please enter your FTP credentials to proceed. If you do not remember your credentials, you should contact your web host.

Connection Type

Importanteng anunsyo: Walang pasok ang mga bata sa Lunes, Marso 16, 2020

 í flokknum: Birt á forsíðu, Tían

Katulad ng ipinalabas kanina sa opisyal na pahayag ng Kalihim o Ministro ng Kalusugan ay paiiralin na ang pansamantalang pagbabago at limitasyon sa pamamalakad ng mga paaralan sa mga susunod na apat na linggo ayon sa Batas ukol sa Kaligtasang Pangkalusugan at mga Nakahahawang Sakit.

Ang mga munisipalidad sa pambansang kapital na rehiyon ay kasalukuyang pinaghahandaan ang pagbabago sa pamamalakad ng mga paaralan para sundin ang opisyal na desisyong ito. Ngayon ay napagpasyahang walang pasok ang mga bata sa lahat ng kindergarten, elementarya, mga programa pagkatapos ng eskwela, at klase ng bandang pampaaralan o school band sa darating na Lunes, Marso 16, 2020. Gagamitin ang araw na ito para paghandaan ng lahat ng mga kawani sa naturang mga institusyon ang mga pagbabago at pagsasagawa ng pansamantalang limitasyon sa loob ng apat na linggo.

Pinakikiusapan ang mga magulang na antabayanan ang bagong mga impormasyon na ilalabas ngayong mga susunod na araw at sa Lunes, kabilang na ang impormasyon sa website ng Reykjavík www.reykjavik.is. Pinaghahandaan din ang mga pare-parehong opisyal na panuto ng iba‘t-ibang munisipalidad tungkol sa mga programa pagkatapos ng eskwela.

 

Nýlegar færslur
Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Ólæsilegt? Breyttu textanum. captcha txt